Matagal na ang debate tungkol sa pagpapautapad ng Parusang kamatayan hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan. Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States, kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito'y mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng iyong buhay ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit. Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis. Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil napakarami pang iba. Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan pa'y sa ating mismong lugar nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito'y ibalik ang bitay. Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa mga ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.